17Lumalabo na ang aming paningin sa paghihintay ng tulong ng mga kakampi naming bansa, pero hindi sila tumulong sa amin. Sa aming mga tore ay nagbantay kami at naghintay sa pagdating ng mga bansang ito na hindi rin makapagliligtas sa amin.
18Binabantayan ng mga kaaway ang aming mga kilos. Hindi na kami makalabas sa mga lansangan. Bilang na ang mga araw namin; malapit na ang aming katapusan.
19Ang mga kaaway na tumutugis sa amin ay mas mabilis pa kaysa sa agila. Tinutugis kami sa mga bundok at inaabangan kami sa disyerto para salakayin.
20Nahuli nila ang aming hari na hinirang ng Panginoon, ang inaasahan naming magtatanggol sa amin mula sa mga kaaway naming bansa.
21Magalak kayo ngayon, mga angkan ni Edom na nakatira sa lupain ng Uz. Dahil kayo man ay paiinumin din sa kopa ng parusa ng Panginoon. Malalasing din kayo at malalagay sa kahihiyan.