18Binabantayan ng mga kaaway ang aming mga kilos. Hindi na kami makalabas sa mga lansangan. Bilang na ang mga araw namin; malapit na ang aming katapusan.
19Ang mga kaaway na tumutugis sa amin ay mas mabilis pa kaysa sa agila. Tinutugis kami sa mga bundok at inaabangan kami sa disyerto para salakayin.
20Nahuli nila ang aming hari na hinirang ng Panginoon, ang inaasahan naming magtatanggol sa amin mula sa mga kaaway naming bansa.
21Magalak kayo ngayon, mga angkan ni Edom na nakatira sa lupain ng Uz. Dahil kayo man ay paiinumin din sa kopa ng parusa ng Panginoon. Malalasing din kayo at malalagay sa kahihiyan.
22Mga taga-Jerusalem, matatapos na ang parusa ninyo. Hindi magtatagal ay pauuwiin na kayo ng Panginoon mula sa lugar na ito na pinagdalhan sa inyo nang kayoʼy bihagin. Ngunit kayong mga taga-Edom, parurusahan kayo ng Panginoon dahil sa inyong mga kasalanan at ibubunyag niya ang inyong kasamaan.