Mga Panaghoy 4

Mga taga-Jerusalem, matatapos na ang parusa ninyo. Hindi magtatagal ay pauuwiin na kayo ng Panginoon mula sa lugar na ito na pinagdalhan sa inyo nang kayoʼy bihagin. Ngunit kayong mga taga-Edom, parurusahan kayo ng Panginoon dahil sa inyong mga kasalanan at ibubunyag niya ang inyong kasamaan.

Lamentations 4:22 (UKJV) The punishment of yours iniquity is accomplished, O daughter of Zion; he will no more carry you away into captivity: he will visit yours iniquity, O daughter of Edom; he will discover your sins.

20Nahuli nila ang aming hari na hinirang ng Panginoon, ang inaasahan naming magtatanggol sa amin mula sa mga kaaway naming bansa.

21Magalak kayo ngayon, mga angkan ni Edom na nakatira sa lupain ng Uz. Dahil kayo man ay paiinumin din sa kopa ng parusa ng Panginoon. Malalasing din kayo at malalagay sa kahihiyan.

22Mga taga-Jerusalem, matatapos na ang parusa ninyo. Hindi magtatagal ay pauuwiin na kayo ng Panginoon mula sa lugar na ito na pinagdalhan sa inyo nang kayoʼy bihagin. Ngunit kayong mga taga-Edom, parurusahan kayo ng Panginoon dahil sa inyong mga kasalanan at ibubunyag niya ang inyong kasamaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.