8Napailalim kami sa mga alipin at walang makapagligtas sa amin mula sa kanilang mga kamay.
9Sa paghahanap namin ng pagkain, nanganib ang aming mga buhay sapagkat laganap ang karahasan sa mga ilang.
10Nilalagnat kami dahil sa matinding gutom, at ang aming katawan ay kasing-init ng pugon.
11Pinagsamantalahan ang aming mga asawa sa Jerusalem at ang aming mga anak na babae sa mga bayan ng Juda.
12Ibinitin sa pamamagitan ng pagtali sa kamay ang aming mga tagapamahala at hindi iginalang ang aming matatanda.