12Ibinitin sa pamamagitan ng pagtali sa kamay ang aming mga tagapamahala at hindi iginalang ang aming matatanda.
13Ang aming mga kabataang lalaki ay parang aliping sapilitang pinagtrabaho sa mga gilingan at ang mga batang lalaki ay susuray-suray sa pagpasan ng mabibigat na kahoy.
14Ang matatanda ay hindi na umuupo sa mga pintuan ng lungsod upang magbigay ng payo at ang mga kabataang lalaki ay hindi na tumutugtog ng musika.
15Wala na kaming kagalakan. Sa halip na magsayaw, kamiʼy nagdadalamhati.
16Wala na rin kaming karangalan. Nakakaawa kami dahil kami ay nagkasala.