14Ang matatanda ay hindi na umuupo sa mga pintuan ng lungsod upang magbigay ng payo at ang mga kabataang lalaki ay hindi na tumutugtog ng musika.
15Wala na kaming kagalakan. Sa halip na magsayaw, kamiʼy nagdadalamhati.
16Wala na rin kaming karangalan. Nakakaawa kami dahil kami ay nagkasala.
17Dahil dito, nasasaktan ang aming damdamin at nagdidilim ang aming paningin.
18Dahil napakalungkot na ng Jerusalem at mga asong-gubat na lamang ang gumagala rito.