Leviticus 1

Magpapaningas ng apoy ang mga lalaking anak ng paring si Aaron sa ibabaw ng altar at maglalagay ng panggatong sa ibabaw nito.

Leviticus 1:7 (UKJV) And the sons of Aaron the priest shall put fire upon the altar, and lay the wood in order upon the fire:

5Pagkatapos, kakatayin niya ang baka sa presensya ng Panginoon, at ang dugo nitoʼy iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari sa paligid ng altar, sa bandang pintuan ng Toldang Tipanan.

6Pagkatapos, babalatan at hihiwain ng naghahandog ang handog na sinusunog.

7Magpapaningas ng apoy ang mga lalaking anak ng paring si Aaron sa ibabaw ng altar at maglalagay ng panggatong sa ibabaw nito.

8Pagkatapos, ilalagay nila nang maayos sa apoy ang mga hiniwang karne, pati ang ulo at taba.

9Ngunit huhugasan muna ng nag-alay ang mga lamang-loob at mga hita, at pagkatapos ay susunugin ng pari ang mga ito sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.