Leviticus 11

“Sabihin ninyo sa mga Israelita: ‘Sa lahat ng mga hayop na nabubuhay sa lupa, ito ang mga puwede ninyong kainin:

Leviticus 11:2 (UKJV) Speak unto the children of Israel, saying, These are the beasts which all of you shall eat among all the beasts that are on the earth.

1Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,

2“Sabihin ninyo sa mga Israelita: ‘Sa lahat ng mga hayop na nabubuhay sa lupa, ito ang mga puwede ninyong kainin:

3ang anumang hayop na naglalakad sa lupa na biyak ang kuko at nginunguyang muli ang kinain nito.

4“ ‘Ngunit huwag ninyong kakainin ang mga hayop na nginunguyang muli ang kinain nito pero hindi naman biyak ang mga kuko katulad ng kamelyo at kuneho. Huwag din ninyong kakainin ang baboy dahil kahit biyak ang kuko nito, hindi naman nginunguyang muli ang kinain nito. Ituring ninyo na maruruming hayop ang mga ito. Huwag kayong kakain ng karne ng mga ito o hihipo ng mga patay na hayop na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.