41“ ‘Huwag ninyong kakainin ang anumang hayop na gumagapang dahil kasuklam-suklam ito: ang anumang gumagapang sa pamamagitan ng kanyang tiyan o apat na paa o maraming paa dahil iyon ay marumi.
43Huwag ninyong dudungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagkain ng alinman sa mga ito, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos. Italaga ninyo ang inyong sarili para sa akin at kayoʼy magpakabanal dahil akoʼy banal.
45Ako ang Panginoon na naglabas sa inyo sa Ehipto para akoʼy maging Diyos ninyo. Kaya dapat kayong mamuhay nang banal dahil akoʼy banal.