Leviticus 11

Ako ang Panginoon na naglabas sa inyo sa Ehipto para akoʼy maging Diyos ninyo. Kaya dapat kayong mamuhay nang banal dahil akoʼy banal.

Leviticus 11:45 (UKJV) For I am the LORD that brings you up out of the land of Egypt, to be your God: all of you shall therefore be holy, for I am holy.

43Huwag ninyong dudungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagkain ng alinman sa mga ito, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos. Italaga ninyo ang inyong sarili para sa akin at kayoʼy magpakabanal dahil akoʼy banal.

45Ako ang Panginoon na naglabas sa inyo sa Ehipto para akoʼy maging Diyos ninyo. Kaya dapat kayong mamuhay nang banal dahil akoʼy banal.

46“ ‘Ito ang mga tuntunin tungkol sa lahat ng hayop, ibon, isda, at bawat buháy na nilalang na gumagalaw sa tubig at bawat nilalang na gumagapang sa lupa.

47Sa pamamagitan ng mga tuntuning ito, malalaman ninyo kung alin ang malinis at marumi, ang puwede at hindi puwedeng kainin.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.