8At kung kumalat na ang mga butlig, muling ipapahayag ng pari na marumi siya dahil may sakit siya sa balat na nakakahawa.
9“Ang sinumang may nakakahawang sakit sa balat ay dapat magpasuri sa pari.
10Kung sa tingin ng pari ay namumuti ang namamagang balat o namumuti ang balahibo, at nagkakasugat na,
11itoʼy isang sakit na paulit-ulit at nakakahawa. Kaya ipapahayag ng pari na marumi siya. Hindi na kailangang ibukod pa siya para suriin dahil tiyak nang marumi siya.
12“Kung sa pagsusuri ng pari ay kumalat na ang sakit sa buong katawan ng tao,