28Ngunit kung hindi naman kumakalat at medyo gumagaling na, pamamaga lang iyon ng napaso. Kaya ipapahayag ng pari na siyaʼy malinis.
29“Kung ang isang tao ay may tanda ng nakakahawang sakit sa balat sa ulo o sa baba,
30dapat ipasuri niya iyon sa pari. Kung iyon ay sugat na nga, at ang buhok o balbas ay naninilaw at madalang ang pagtubo, ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay marumi, dahil may sakit siya sa balat na nakakahawa sa ulo o baba.
31Ngunit kung sa pagsusuri ng pari ay nakita niya na hindi naman lumalalim ang sugat at wala nang maitim na buhok o balbas, ibubukod siya ng pari sa mga tao sa loob ng pitong araw.
32At sa ikapitong araw, muling susuriin ng pari ang kanyang sakit sa balat. At kung hindi naman kumalat at hindi rin nagkasugat ang balat at hindi rin naninilaw ang buhok o balbas,