Leviticus 13

Ngunit kung sa pagsusuri ng pari ay nakita niya na hindi naman lumalalim ang sugat at wala nang maitim na buhok o balbas, ibubukod siya ng pari sa mga tao sa loob ng pitong araw.

Leviticus 13:31 (UKJV) And if the priest look on the plague of the scab, and, behold, it be not in sight deeper than the skin, and that there is no black hair in it; then the priest shall shut up him that has the plague of the scab seven days:

29“Kung ang isang tao ay may tanda ng nakakahawang sakit sa balat sa ulo o sa baba,

30dapat ipasuri niya iyon sa pari. Kung iyon ay sugat na nga, at ang buhok o balbas ay naninilaw at madalang ang pagtubo, ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay marumi, dahil may sakit siya sa balat na nakakahawa sa ulo o baba.

31Ngunit kung sa pagsusuri ng pari ay nakita niya na hindi naman lumalalim ang sugat at wala nang maitim na buhok o balbas, ibubukod siya ng pari sa mga tao sa loob ng pitong araw.

32At sa ikapitong araw, muling susuriin ng pari ang kanyang sakit sa balat. At kung hindi naman kumalat at hindi rin nagkasugat ang balat at hindi rin naninilaw ang buhok o balbas,

33dapat niyang kalbuhin ang kanyang buhok o ahitin ang kanyang balbas, maliban sa bahaging may sakit sa balat. At muli siyang ibubukod ng pari ng pitong araw pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.