8Kinakailangang kayo ay ituring na banal ng inyong kapwa Israelita dahil kayo ang nag-aalay ng mga handog para sa akin na inyong Diyos. Dapat nila kayong ituring na banal dahil ako, ang Panginoon, ay banal at ginawa kong banal ang aking mga tao.
9“ ‘Kung kayoʼy may anak na babae na nagdudulot ng kahihiyan dahil sa pagbebenta niya ng panandaliang aliw, siyaʼy ituturing na marumi, dapat siyang sunugin.
10“ ‘Kung ang punong pari, na binuhusan ng langis sa ulo at pinili para siya ang magsuot ng kasuotan ng pari ay namatayan ng kamag-anak, hindi niya dapat guluhin ang kanyang buhok ni punitin ang kanyang damit bilang tanda ng pagluluksa.
11Hindi rin siya dapat pumunta sa lugar na may patay. Kailangang iwasan niyang maging marumi kahit pa ang namatay ay kanyang ama o ina.
12Hindi siya dapat umalis sa santuwaryo ng kanyang Diyos para sumama sa libing, dahil kung gagawin niya iyon ay magiging marumi ang santuwaryo. Sapagkat siya ay itinalaga bilang punong pari sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanya ng langis ng olibo. Ako ang Panginoon.