Leviticus 21

Kinakailangang kayo ay ituring na banal ng inyong kapwa Israelita dahil kayo ang nag-aalay ng mga handog para sa akin na inyong Diyos. Dapat nila kayong ituring na banal dahil ako, ang Panginoon, ay banal at ginawa kong banal ang aking mga tao.

Leviticus 21:8 (UKJV) You shall sanctify him therefore; for he offers the bread of your God: he shall be holy unto you: for I the LORD, which sanctify you, am holy.

6Italaga ninyo ang inyong sarili para akin na inyong Diyos, at huwag ninyong lapastanganin ang aking pangalan. Maging banal dapat kayo, sapagkat kayo ang nag-aalay ng mga handog na pagkain para sa akin na inyong Panginoon na inyong Diyos.

7“ ‘Huwag kayong mag-asawa ng babaeng marumi dahil nagbebenta siya ng panandaliang aliw, o ng babaeng hiwalay sa asawa, dahil kayoʼy hinirang para maglingkod sa akin na inyong Diyos.

8Kinakailangang kayo ay ituring na banal ng inyong kapwa Israelita dahil kayo ang nag-aalay ng mga handog para sa akin na inyong Diyos. Dapat nila kayong ituring na banal dahil ako, ang Panginoon, ay banal at ginawa kong banal ang aking mga tao.

9“ ‘Kung kayoʼy may anak na babae na nagdudulot ng kahihiyan dahil sa pagbebenta niya ng panandaliang aliw, siyaʼy ituturing na marumi, dapat siyang sunugin.

10“ ‘Kung ang punong pari, na binuhusan ng langis sa ulo at pinili para siya ang magsuot ng kasuotan ng pari ay namatayan ng kamag-anak, hindi niya dapat guluhin ang kanyang buhok ni punitin ang kanyang damit bilang tanda ng pagluluksa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.