Leviticus 21

Italaga ninyo ang inyong sarili para akin na inyong Diyos, at huwag ninyong lapastanganin ang aking pangalan. Maging banal dapat kayo, sapagkat kayo ang nag-aalay ng mga handog na pagkain para sa akin na inyong Panginoon na inyong Diyos.

Leviticus 21:6 (UKJV) They shall be holy unto their God, and not profane the name of their God: for the offerings of the LORD made by fire, and the bread of their God, they do offer: therefore they shall be holy.

4Huwag din ninyong dungisan ang inyong sarili sa inyong pagpunta sa libing ng kamag-anak ng inyong asawa.

5“ ‘Huwag ninyong aahitin ang inyong buhok o puputulan ang inyong balbas o susugatan ang inyong katawan.

6Italaga ninyo ang inyong sarili para akin na inyong Diyos, at huwag ninyong lapastanganin ang aking pangalan. Maging banal dapat kayo, sapagkat kayo ang nag-aalay ng mga handog na pagkain para sa akin na inyong Panginoon na inyong Diyos.

7“ ‘Huwag kayong mag-asawa ng babaeng marumi dahil nagbebenta siya ng panandaliang aliw, o ng babaeng hiwalay sa asawa, dahil kayoʼy hinirang para maglingkod sa akin na inyong Diyos.

8Kinakailangang kayo ay ituring na banal ng inyong kapwa Israelita dahil kayo ang nag-aalay ng mga handog para sa akin na inyong Diyos. Dapat nila kayong ituring na banal dahil ako, ang Panginoon, ay banal at ginawa kong banal ang aking mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.