Leviticus 21

“ ‘Huwag kayong mag-asawa ng babaeng marumi dahil nagbebenta siya ng panandaliang aliw, o ng babaeng hiwalay sa asawa, dahil kayoʼy hinirang para maglingkod sa akin na inyong Diyos.

Leviticus 21:7 (UKJV) They shall not take a wife that is a whore, or profane; neither shall they take a woman put away from her husband: for he is holy unto his God.

5“ ‘Huwag ninyong aahitin ang inyong buhok o puputulan ang inyong balbas o susugatan ang inyong katawan.

6Italaga ninyo ang inyong sarili para akin na inyong Diyos, at huwag ninyong lapastanganin ang aking pangalan. Maging banal dapat kayo, sapagkat kayo ang nag-aalay ng mga handog na pagkain para sa akin na inyong Panginoon na inyong Diyos.

7“ ‘Huwag kayong mag-asawa ng babaeng marumi dahil nagbebenta siya ng panandaliang aliw, o ng babaeng hiwalay sa asawa, dahil kayoʼy hinirang para maglingkod sa akin na inyong Diyos.

8Kinakailangang kayo ay ituring na banal ng inyong kapwa Israelita dahil kayo ang nag-aalay ng mga handog para sa akin na inyong Diyos. Dapat nila kayong ituring na banal dahil ako, ang Panginoon, ay banal at ginawa kong banal ang aking mga tao.

9“ ‘Kung kayoʼy may anak na babae na nagdudulot ng kahihiyan dahil sa pagbebenta niya ng panandaliang aliw, siyaʼy ituturing na marumi, dapat siyang sunugin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.