Leviticus 21

Hindi rin siya dapat pumunta sa lugar na may patay. Kailangang iwasan niyang maging marumi kahit pa ang namatay ay kanyang ama o ina.

Leviticus 21:11 (UKJV) Neither shall he go in to any dead body, nor defile himself for his father, or for his mother;

9“ ‘Kung kayoʼy may anak na babae na nagdudulot ng kahihiyan dahil sa pagbebenta niya ng panandaliang aliw, siyaʼy ituturing na marumi, dapat siyang sunugin.

10“ ‘Kung ang punong pari, na binuhusan ng langis sa ulo at pinili para siya ang magsuot ng kasuotan ng pari ay namatayan ng kamag-anak, hindi niya dapat guluhin ang kanyang buhok ni punitin ang kanyang damit bilang tanda ng pagluluksa.

11Hindi rin siya dapat pumunta sa lugar na may patay. Kailangang iwasan niyang maging marumi kahit pa ang namatay ay kanyang ama o ina.

12Hindi siya dapat umalis sa santuwaryo ng kanyang Diyos para sumama sa libing, dahil kung gagawin niya iyon ay magiging marumi ang santuwaryo. Sapagkat siya ay itinalaga bilang punong pari sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanya ng langis ng olibo. Ako ang Panginoon.

13“ ‘Kung ang punong pari ay mag-aasawa, dapat Israelitang katulad niya at isang birhen. Huwag siyang mag-aasawa ng biyuda, o ng babaeng hiwalay sa asawa, o ng isang maruming babae,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.