8Hindi kayo dapat kumain ng alinmang karne ng namatay na hayop o pinatay ng kapwa hayop, dahil kapag ginawa ninyo ito, kayoʼy ituturing na marumi. Ako ang Panginoon.
9“ ‘Kaya dapat ninyong sundin ang mga iniuutos kong ito sa inyo para hindi kayo magkasala at mamatay dahil sa paglabag sa mga ito. Ako ang Panginoon at ibinukod ko kayo para maging banal.
10“ ‘Kayong mga pari at ang inyong sambahayan lang ang makakakain ng bahagi ng banal na handog na para sa mga pari. Hindi maaaring kumain nito ang inyong mga panauhin o ang inyong mga upahang manggagawa.
11Ngunit maaaring kumain ang inyong aliping binili, o ipinanganak sa tahanan ninyo.
12Hindi rin maaaring kumain nito ang babaeng anak ng pari na nakapag-asawa ng hindi pari.