Leviticus 22

“ ‘Kaya dapat ninyong sundin ang mga iniuutos kong ito sa inyo para hindi kayo magkasala at mamatay dahil sa paglabag sa mga ito. Ako ang Panginoon at ibinukod ko kayo para maging banal.

Leviticus 22:9 (UKJV) They shall therefore keep mine ordinance, lest they bear sin for it, and die therefore, if they profane it: I the LORD do sanctify them.

7Kapag lumubog na ang araw, maituturing na siyang malinis at saka pa lang siya makakakain ng mga banal na handog na pagkain niya bilang pari.

8Hindi kayo dapat kumain ng alinmang karne ng namatay na hayop o pinatay ng kapwa hayop, dahil kapag ginawa ninyo ito, kayoʼy ituturing na marumi. Ako ang Panginoon.

9“ ‘Kaya dapat ninyong sundin ang mga iniuutos kong ito sa inyo para hindi kayo magkasala at mamatay dahil sa paglabag sa mga ito. Ako ang Panginoon at ibinukod ko kayo para maging banal.

10“ ‘Kayong mga pari at ang inyong sambahayan lang ang makakakain ng bahagi ng banal na handog na para sa mga pari. Hindi maaaring kumain nito ang inyong mga panauhin o ang inyong mga upahang manggagawa.

11Ngunit maaaring kumain ang inyong aliping binili, o ipinanganak sa tahanan ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.