Leviticus 24

At sabihin mo sa mga Israelita na ang sinumang katutubong Israelita o dayuhang naninirahang kasama nila na lalapastangan sa aking pangalan ay mananagot.

Leviticus 24:15 (UKJV) And you shall speak unto the children of Israel, saying, Whosoever curses his God shall bear his sin.

13Ngayon, sinabi ng Panginoon kay Moises,

14“Dalhin ninyo sa labas ng kampo ang taong iyon na lumapastangan sa akin. At ang lahat ng nakarinig ng kanyang paglapastangan ay magpatong ng kanilang mga kamay sa ulo niya bilang patunay na siyaʼy dapat managot, at pagkatapos, babatuhin siya ng buong sambayanan hanggang mamatay.

15At sabihin mo sa mga Israelita na ang sinumang katutubong Israelita o dayuhang naninirahang kasama nila na lalapastangan sa aking pangalan ay mananagot.

16Ang sinumang lalapastangan sa aking Pangalan ay babatuhin ng buong sambayanan hanggang sa mamatay siya; katutubo man o dayuhan.

17“Ang sinumang pumatay ng tao ay dapat ding patayin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.