Leviticus 24

“Ang sinumang pumatay ng tao ay dapat ding patayin.

Leviticus 24:17 (UKJV) And he that kills any man shall surely be put to death.

15At sabihin mo sa mga Israelita na ang sinumang katutubong Israelita o dayuhang naninirahang kasama nila na lalapastangan sa aking pangalan ay mananagot.

16Ang sinumang lalapastangan sa aking Pangalan ay babatuhin ng buong sambayanan hanggang sa mamatay siya; katutubo man o dayuhan.

17“Ang sinumang pumatay ng tao ay dapat ding patayin.

18At kung hayop na pag-aari ng iba naman ang pinatay ng isang tao ay kinakailangang palitan niya ito ng buháy.

19Kapag sinaktan ng sinuman ang kanyang kapwa, kailangang saktan din siya katulad ng ginawa niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.