Leviticus 24

At kung hayop na pag-aari ng iba naman ang pinatay ng isang tao ay kinakailangang palitan niya ito ng buháy.

Leviticus 24:18 (UKJV) And he that kills a beast shall make it good; beast for beast.

16Ang sinumang lalapastangan sa aking Pangalan ay babatuhin ng buong sambayanan hanggang sa mamatay siya; katutubo man o dayuhan.

17“Ang sinumang pumatay ng tao ay dapat ding patayin.

18At kung hayop na pag-aari ng iba naman ang pinatay ng isang tao ay kinakailangang palitan niya ito ng buháy.

19Kapag sinaktan ng sinuman ang kanyang kapwa, kailangang saktan din siya katulad ng ginawa niya.

20Kung binali niya ang buto ng iba, babaliin din ang buto niya, kung dinukot niya ang mata ng iba, dudukutin din ang mata niya, at kung binungi niya ang ngipin ng iba, bubungiin din ang ngipin niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.