Leviticus 25

“ ‘Sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, lahat ng mga ari-ariang ipinagbili sa inyo ay ibalik ninyo sa may-ari.

Leviticus 25:13 (UKJV) In the year of this jubile all of you shall return every man unto his possession.

11Sa taong ito, na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, huwag kayong magtatanim sa inyong mga bukirin at huwag din kayong mag-aani o mamimitas ng mga bunga ng mga ubas na hindi ninyo inalagaan.

12Dahil Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, dapat kayong magngilin; kainin lamang ninyo ang bunga ng mga tanim na kusang tumubo.

13“ ‘Sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, lahat ng mga ari-ariang ipinagbili sa inyo ay ibalik ninyo sa may-ari.

14“ ‘Kaya kung kayoʼy magbebenta o bibili ng lupain sa inyong kapwa Israelita, huwag kayong magdadayaan.

15Ang halaga ng lupa ay ibabatay ayon sa dami ng taon ng pamumunga nito bago dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.