Leviticus 25

Sa taong ito, na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, huwag kayong magtatanim sa inyong mga bukirin at huwag din kayong mag-aani o mamimitas ng mga bunga ng mga ubas na hindi ninyo inalagaan.

Leviticus 25:11 (UKJV) A jubile shall that fiftieth year be unto you: all of you shall not sow, neither reap that which grows of itself in it, nor gather the grapes in it of your vine undressed.

9At sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, ang Araw ng Pagtubos, patunugin ninyo ang mga trumpeta sa buong lupain.

10Ang ika-limampung taon ay ituring ninyong natatanging taon dahil iyon ay Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli para sa buong lupain; ang bawat isa sa inyo ay babalik sa inyong sariling lupain at lahi.

11Sa taong ito, na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, huwag kayong magtatanim sa inyong mga bukirin at huwag din kayong mag-aani o mamimitas ng mga bunga ng mga ubas na hindi ninyo inalagaan.

12Dahil Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, dapat kayong magngilin; kainin lamang ninyo ang bunga ng mga tanim na kusang tumubo.

13“ ‘Sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, lahat ng mga ari-ariang ipinagbili sa inyo ay ibalik ninyo sa may-ari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.