Leviticus 25

Ang ika-limampung taon ay ituring ninyong natatanging taon dahil iyon ay Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli para sa buong lupain; ang bawat isa sa inyo ay babalik sa inyong sariling lupain at lahi.

Leviticus 25:10 (UKJV) And all of you shall hallow the fiftieth year, and proclaim liberty throughout all the land unto all the inhabitants thereof: it shall be a jubile unto you; and all of you shall return every man unto his possession, and all of you shall return every man unto his family.

8“ ‘Bumilang kayo ng pitong tigpipitong taon, suma tutal ay apatnapuʼt siyam na taon.

9At sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, ang Araw ng Pagtubos, patunugin ninyo ang mga trumpeta sa buong lupain.

10Ang ika-limampung taon ay ituring ninyong natatanging taon dahil iyon ay Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli para sa buong lupain; ang bawat isa sa inyo ay babalik sa inyong sariling lupain at lahi.

11Sa taong ito, na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, huwag kayong magtatanim sa inyong mga bukirin at huwag din kayong mag-aani o mamimitas ng mga bunga ng mga ubas na hindi ninyo inalagaan.

12Dahil Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, dapat kayong magngilin; kainin lamang ninyo ang bunga ng mga tanim na kusang tumubo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.