6Ngunit maaari kayong kumuha nito para may makain kayo, ang inyong mga alipin, mga manggagawa, mga dayuhang naninirahang kasama ninyo,
7mga alaga nʼyong hayop, at mga hayop sa gubat na nasa inyong lupain.
8“ ‘Bumilang kayo ng pitong tigpipitong taon, suma tutal ay apatnapuʼt siyam na taon.
9At sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, ang Araw ng Pagtubos, patunugin ninyo ang mga trumpeta sa buong lupain.
10Ang ika-limampung taon ay ituring ninyong natatanging taon dahil iyon ay Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli para sa buong lupain; ang bawat isa sa inyo ay babalik sa inyong sariling lupain at lahi.