7mga alaga nʼyong hayop, at mga hayop sa gubat na nasa inyong lupain.
8“ ‘Bumilang kayo ng pitong tigpipitong taon, suma tutal ay apatnapuʼt siyam na taon.
9At sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, ang Araw ng Pagtubos, patunugin ninyo ang mga trumpeta sa buong lupain.
10Ang ika-limampung taon ay ituring ninyong natatanging taon dahil iyon ay Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli para sa buong lupain; ang bawat isa sa inyo ay babalik sa inyong sariling lupain at lahi.
11Sa taong ito, na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, huwag kayong magtatanim sa inyong mga bukirin at huwag din kayong mag-aani o mamimitas ng mga bunga ng mga ubas na hindi ninyo inalagaan.