Leviticus 25

Sa taong iyon, malaya na siya at ang mga anak niya, at makakabalik na sila sa kanilang mga kamag-anak at mapapasakanilang muli ang mga pag-aari ng kanilang mga ninuno.

Leviticus 25:41 (UKJV) And then shall he depart from you, both he and his children with him, and shall return unto his own family, and unto the possession of his fathers shall he return.

39“ ‘Kung sa labis na kahirapan ng inyong kapwa Israelita ay napilitang ipagbili ang sarili upang maging alipin, huwag ninyo siyang pagtrabahuhin katulad ng pangkaraniwang alipin.

40Ituring ninyo siyang isang upahang manggagawa o isang panauhing nakatira sa inyo. Magtatrabaho siya sa inyo hanggang sa sumapit ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.

41Sa taong iyon, malaya na siya at ang mga anak niya, at makakabalik na sila sa kanilang mga kamag-anak at mapapasakanilang muli ang mga pag-aari ng kanilang mga ninuno.

42Kayoʼy mga alipin ko, kayoʼy mga Israelitang inilabas ko sa Ehipto. Kaya huwag ninyong ipagbibili ang inyong sarili para maging alipin.

43Huwag ninyong pagmamalupitan ang inyong kapwa Israelita na alipin ninyo. Ipakita ninyong kayoʼy may takot sa akin na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.