Leviticus 25

Kayoʼy mga alipin ko, kayoʼy mga Israelitang inilabas ko sa Ehipto. Kaya huwag ninyong ipagbibili ang inyong sarili para maging alipin.

Leviticus 25:42 (UKJV) For they are my servants, which I brought forth out of the land of Egypt: they shall not be sold as bondmen.

40Ituring ninyo siyang isang upahang manggagawa o isang panauhing nakatira sa inyo. Magtatrabaho siya sa inyo hanggang sa sumapit ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.

41Sa taong iyon, malaya na siya at ang mga anak niya, at makakabalik na sila sa kanilang mga kamag-anak at mapapasakanilang muli ang mga pag-aari ng kanilang mga ninuno.

42Kayoʼy mga alipin ko, kayoʼy mga Israelitang inilabas ko sa Ehipto. Kaya huwag ninyong ipagbibili ang inyong sarili para maging alipin.

43Huwag ninyong pagmamalupitan ang inyong kapwa Israelita na alipin ninyo. Ipakita ninyong kayoʼy may takot sa akin na inyong Diyos.

44“ ‘Kung gusto ninyong kayoʼy may alipin, bumili kayo sa mga bansa sa palibot ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.