38Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto para maibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan upang akoʼy maging Diyos ninyo.
39“ ‘Kung sa labis na kahirapan ng inyong kapwa Israelita ay napilitang ipagbili ang sarili upang maging alipin, huwag ninyo siyang pagtrabahuhin katulad ng pangkaraniwang alipin.
40Ituring ninyo siyang isang upahang manggagawa o isang panauhing nakatira sa inyo. Magtatrabaho siya sa inyo hanggang sa sumapit ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.
41Sa taong iyon, malaya na siya at ang mga anak niya, at makakabalik na sila sa kanilang mga kamag-anak at mapapasakanilang muli ang mga pag-aari ng kanilang mga ninuno.