9“ ‘Iingatan ko kayo at pararamihin para matupad ko ang aking pangako sa inyo.
10At dahil sa kasaganaan ng inyong ani, ang inyong kakainin ay mula pa sa dati ninyong inani, na hindi pa nauubos sa lalagyan hanggang sa dumating ang bagong ani na papalit dito.
11Maninirahan akong kasama ninyo at hindi ko kayo pababayaan.
12Akoʼy magiging kasama ninyo, at patuloy akong magiging Diyos ninyo, at patuloy kayong magiging mga mamamayan ko.
13Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto upang hindi na kayo alipinin ng mga taga-Egipto. Pinalaya ko na kayo, kaya wala na kayong dapat ikahiya.