11Maninirahan akong kasama ninyo at hindi ko kayo pababayaan.
12Akoʼy magiging kasama ninyo, at patuloy akong magiging Diyos ninyo, at patuloy kayong magiging mga mamamayan ko.
13Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto upang hindi na kayo alipinin ng mga taga-Egipto. Pinalaya ko na kayo, kaya wala na kayong dapat ikahiya.
14“ ‘Ngunit kung hindi kayo makikinig sa akin, at hindi ninyo susundin ang aking mga utos at tuntunin, nilalabag ninyo ang kasunduan ko sa inyo.