Leviticus 26

Akoʼy magiging kasama ninyo, at patuloy akong magiging Diyos ninyo, at patuloy kayong magiging mga mamamayan ko.

Leviticus 26:12 (UKJV) And I will walk among you, and will be your God, and all of you shall be my people.

10At dahil sa kasaganaan ng inyong ani, ang inyong kakainin ay mula pa sa dati ninyong inani, na hindi pa nauubos sa lalagyan hanggang sa dumating ang bagong ani na papalit dito.

11Maninirahan akong kasama ninyo at hindi ko kayo pababayaan.

12Akoʼy magiging kasama ninyo, at patuloy akong magiging Diyos ninyo, at patuloy kayong magiging mga mamamayan ko.

13Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto upang hindi na kayo alipinin ng mga taga-Egipto. Pinalaya ko na kayo, kaya wala na kayong dapat ikahiya.

14“ ‘Ngunit kung hindi kayo makikinig sa akin, at hindi ninyo susundin ang aking mga utos at tuntunin, nilalabag ninyo ang kasunduan ko sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.