Leviticus 27

Titingnan iyon ng pari kung mabuti ba ito o hindi, at bibigyan niya ito ng halaga at hindi na maaaring baguhin pa.

Leviticus 27:12 (UKJV) And the priest shall value it, whether it be good or bad: as you value it, who are the priest, so shall it be.

10Iyon ay hindi na niya maaaring palitan kahit mas maganda pa ang kanyang ipapalit. Kapag pinalitan niya ito, ang hayop na kanyang ipinanata pati ang ipinalit ay parehong sa Panginoon na.

11Kung ang kanyang panatang hayop ay itinuturing na marumi at hindi maaaring ihandog sa Panginoon, dadalhin niya iyon sa pari.

12Titingnan iyon ng pari kung mabuti ba ito o hindi, at bibigyan niya ito ng halaga at hindi na maaaring baguhin pa.

13Kung babawiin ng may-ari ang hayop. Kinakailangang bayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito.

14“ ‘Kung bahay naman ang panatang handog sa Panginoon, titingnan muna ng pari ang kalidad ng bahay, at saka niya ito bibigyan ng halaga, at hindi na iyon maaaring baguhin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.