Leviticus 27

“ ‘Kung bahay naman ang panatang handog sa Panginoon, titingnan muna ng pari ang kalidad ng bahay, at saka niya ito bibigyan ng halaga, at hindi na iyon maaaring baguhin.

Leviticus 27:14 (UKJV) And when a man shall sanctify his house to be holy unto the LORD, then the priest shall estimate it, whether it be good or bad: as the priest shall estimate it, so shall it stand.

12Titingnan iyon ng pari kung mabuti ba ito o hindi, at bibigyan niya ito ng halaga at hindi na maaaring baguhin pa.

13Kung babawiin ng may-ari ang hayop. Kinakailangang bayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito.

14“ ‘Kung bahay naman ang panatang handog sa Panginoon, titingnan muna ng pari ang kalidad ng bahay, at saka niya ito bibigyan ng halaga, at hindi na iyon maaaring baguhin.

15Kung ang namanata ng bahay ay nagnanais na bawiin ang kanyang panata, kailangang bayaran niya ang halaga ng bahay at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito, at saka pa lamang ibabalik sa kanya ang bahay.

16“ ‘Kung ang inihandog naman sa Panginoon ay bahagi ng lupaing minana sa kanyang mga magulang, itoʼy bibigyan ng halaga ng pari ayon sa dami ng binhing maaaring ihasik sa lupaing iyon: Sa bawat kalahating sako ng binhing maihahasik, ang halaga ng lupa ay dalawampung pirasong pilak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.