Leviticus 27

Kung babawiin ng may-ari ang hayop. Kinakailangang bayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito.

Leviticus 27:13 (UKJV) But if he will at all redeem it, then he shall add a fifth part thereof unto your estimation.

11Kung ang kanyang panatang hayop ay itinuturing na marumi at hindi maaaring ihandog sa Panginoon, dadalhin niya iyon sa pari.

12Titingnan iyon ng pari kung mabuti ba ito o hindi, at bibigyan niya ito ng halaga at hindi na maaaring baguhin pa.

13Kung babawiin ng may-ari ang hayop. Kinakailangang bayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito.

14“ ‘Kung bahay naman ang panatang handog sa Panginoon, titingnan muna ng pari ang kalidad ng bahay, at saka niya ito bibigyan ng halaga, at hindi na iyon maaaring baguhin.

15Kung ang namanata ng bahay ay nagnanais na bawiin ang kanyang panata, kailangang bayaran niya ang halaga ng bahay at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito, at saka pa lamang ibabalik sa kanya ang bahay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.