Leviticus 27

“ ‘Kung ang inihandog naman sa Panginoon ay bahagi ng lupaing minana sa kanyang mga magulang, itoʼy bibigyan ng halaga ng pari ayon sa dami ng binhing maaaring ihasik sa lupaing iyon: Sa bawat kalahating sako ng binhing maihahasik, ang halaga ng lupa ay dalawampung pirasong pilak.

Leviticus 27:16 (UKJV) And if a man shall sanctify unto the LORD some part of a field of his possession, then your estimation shall be according to the seed thereof: an homer of barley seed shall be valued at fifty shekels of silver.

14“ ‘Kung bahay naman ang panatang handog sa Panginoon, titingnan muna ng pari ang kalidad ng bahay, at saka niya ito bibigyan ng halaga, at hindi na iyon maaaring baguhin.

15Kung ang namanata ng bahay ay nagnanais na bawiin ang kanyang panata, kailangang bayaran niya ang halaga ng bahay at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito, at saka pa lamang ibabalik sa kanya ang bahay.

16“ ‘Kung ang inihandog naman sa Panginoon ay bahagi ng lupaing minana sa kanyang mga magulang, itoʼy bibigyan ng halaga ng pari ayon sa dami ng binhing maaaring ihasik sa lupaing iyon: Sa bawat kalahating sako ng binhing maihahasik, ang halaga ng lupa ay dalawampung pirasong pilak.

17Kung ihahandog niya ang kanyang bukid pagkatapos ng Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, ganoon pa rin ang halaga nito.

18Ngunit kung sa bandang huli na niya ihahandog, bibigyan ito ng halaga ng pari ng mas mababa, batay sa dami ng taon na natitira hanggang sa susunod na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.