Leviticus 27

Kung babawiin ng may-ari ang kanyang bukid, kinakailangang bayaran niya ang halaga ng bukid at dadagdagan pa niya ng dalawampung porsiyento ng halaga nito. At saka ibabalik sa kanya ang bukid.

Leviticus 27:19 (UKJV) And if he that sanctified the field will in any way redeem it, then he shall add the fifth part of the money of your estimation unto it, and it shall be assured to him.

17Kung ihahandog niya ang kanyang bukid pagkatapos ng Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, ganoon pa rin ang halaga nito.

18Ngunit kung sa bandang huli na niya ihahandog, bibigyan ito ng halaga ng pari ng mas mababa, batay sa dami ng taon na natitira hanggang sa susunod na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.

19Kung babawiin ng may-ari ang kanyang bukid, kinakailangang bayaran niya ang halaga ng bukid at dadagdagan pa niya ng dalawampung porsiyento ng halaga nito. At saka ibabalik sa kanya ang bukid.

20Ngunit kung ipagbili niya ang bukid nang hindi pa niya natutubos, hindi na niya ito mababawi.

21At pagsapit ng Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, ituturing na itong nakatalaga sa Panginoon, at hindi na niya mababawi pa. Iyon ay magiging pag-aari na ng mga pari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.