Leviticus 4

At ang gagawin niya sa toro na itoʼy katulad din ng ginawa niya sa torong handog para sa kasalanan. Kukunin niya ang lahat ng taba ng toro at susunugin sa altar, at susunugin ang toro sa labas ng kampo. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng punong pari, ang mga Israelita ay matutubos sa kanilang mga kasalanan at patatawarin sila ng Panginoon. Ito ang handog para sa kasalanan ng buong sambayanan ng Israel.

Leviticus 4:19 (UKJV) And he shall take all his fat from him, and burn it upon the altar.

17At ilulubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ng pitong beses sa kurtina na tumatabing sa Pinakabanal na Lugar, sa presensya ng Panginoon.

18Pagkatapos, papahiran niya ng dugo ang parang sungay sa mga sulok ng altar na nasa loob ng Tolda sa presensya ng Panginoon. At ang natitirang dugo ay ibubuhos niya sa ilalim ng altar kung saan sinusunog ang handog na sinusunog. Ang altar na itoʼy malapit sa pintuan ng Tolda.

19At ang gagawin niya sa toro na itoʼy katulad din ng ginawa niya sa torong handog para sa kasalanan. Kukunin niya ang lahat ng taba ng toro at susunugin sa altar, at susunugin ang toro sa labas ng kampo. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng punong pari, ang mga Israelita ay matutubos sa kanilang mga kasalanan at patatawarin sila ng Panginoon. Ito ang handog para sa kasalanan ng buong sambayanan ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.