15Pagkatapos, ipapatong ng mga tagapamahala ng Israel ang kanilang kamay sa ulo ng toro at saka papatayin sa presensya ng Panginoon.
16Kukuha ng dugo ng toro ang punong pari at dadalhin niya sa loob ng Tolda.
17At ilulubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ng pitong beses sa kurtina na tumatabing sa Pinakabanal na Lugar, sa presensya ng Panginoon.
18Pagkatapos, papahiran niya ng dugo ang parang sungay sa mga sulok ng altar na nasa loob ng Tolda sa presensya ng Panginoon. At ang natitirang dugo ay ibubuhos niya sa ilalim ng altar kung saan sinusunog ang handog na sinusunog. Ang altar na itoʼy malapit sa pintuan ng Tolda.
19At ang gagawin niya sa toro na itoʼy katulad din ng ginawa niya sa torong handog para sa kasalanan. Kukunin niya ang lahat ng taba ng toro at susunugin sa altar, at susunugin ang toro sa labas ng kampo. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng punong pari, ang mga Israelita ay matutubos sa kanilang mga kasalanan at patatawarin sila ng Panginoon. Ito ang handog para sa kasalanan ng buong sambayanan ng Israel.