Leviticus 4

Pagkatapos, ipapatong ng mga tagapamahala ng Israel ang kanilang kamay sa ulo ng toro at saka papatayin sa presensya ng Panginoon.

Leviticus 4:15 (UKJV) And the elders of the congregation shall lay their hands upon the head of the bullock before the LORD: and the bullock shall be killed before the LORD.

13“ ‘Kung ang buong mamamayan ng Israel ay lalabag sa utos ng Panginoon nang di-sinasadya, sila ay nagkasala pa rin kahit hindi nila ito nalalaman.

14Kapag alam na nila na silaʼy nagkasala nga, ang lahat ng mamamayan ay maghahandog ng batang toro bilang handog para sa kasalanan. Dadalhin nila ang toro sa Toldang Tipanan.

15Pagkatapos, ipapatong ng mga tagapamahala ng Israel ang kanilang kamay sa ulo ng toro at saka papatayin sa presensya ng Panginoon.

16Kukuha ng dugo ng toro ang punong pari at dadalhin niya sa loob ng Tolda.

17At ilulubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ng pitong beses sa kurtina na tumatabing sa Pinakabanal na Lugar, sa presensya ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.