Leviticus 5

“ ‘Kung ang isang taoʼy nagkasala dahil tumanggi siyang tumayo bilang saksi sa hukuman para sa pangyayaring kanyang nakita o nalalaman, may pananagutan siya.

Leviticus 5:1 (UKJV) And if a soul sin, and hear the voice of swearing, and is a witness, whether he has seen or known of it; if he do not utter it, then he shall bear his iniquity.

1“ ‘Kung ang isang taoʼy nagkasala dahil tumanggi siyang tumayo bilang saksi sa hukuman para sa pangyayaring kanyang nakita o nalalaman, may pananagutan siya.

2“ ‘Kung ang isang taoʼy nakahipo ng anumang bagay na itinuturing na marumi, katulad ng mga patay na hayop, maamo man o hindi, o kayaʼy ang mga hayop na gumagapang, siyaʼy naging marumi at nagkasala rin kahit wala siyang malay na nakahipo siya.

3Kung siyaʼy nakahipo ng mga maruming bagay ng tao, kahit hindi niya alam na siyaʼy naging marumi, ituturing pa ring siyaʼy nagkasala kapag nalaman niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.