Leviticus 5

“ ‘Kung ang isang taoʼy nakahipo ng anumang bagay na itinuturing na marumi, katulad ng mga patay na hayop, maamo man o hindi, o kayaʼy ang mga hayop na gumagapang, siyaʼy naging marumi at nagkasala rin kahit wala siyang malay na nakahipo siya.

Leviticus 5:2 (UKJV) Or if a soul touch any unclean thing, whether it be a carcass of an unclean beast, or a carcass of unclean cattle, or the carcass of unclean creeping things, and if it be hidden from him; he also shall be unclean, and guilty.

1“ ‘Kung ang isang taoʼy nagkasala dahil tumanggi siyang tumayo bilang saksi sa hukuman para sa pangyayaring kanyang nakita o nalalaman, may pananagutan siya.

2“ ‘Kung ang isang taoʼy nakahipo ng anumang bagay na itinuturing na marumi, katulad ng mga patay na hayop, maamo man o hindi, o kayaʼy ang mga hayop na gumagapang, siyaʼy naging marumi at nagkasala rin kahit wala siyang malay na nakahipo siya.

3Kung siyaʼy nakahipo ng mga maruming bagay ng tao, kahit hindi niya alam na siyaʼy naging marumi, ituturing pa ring siyaʼy nagkasala kapag nalaman niya.

4Kung ang isang tao ay nanumpa nang padalos-dalos, mabuti man o masama ang isinumpa niya, siyaʼy nagkasala kapag nalaman niya ang kanyang ginawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.