2“ ‘Kung ang isang taoʼy nakahipo ng anumang bagay na itinuturing na marumi, katulad ng mga patay na hayop, maamo man o hindi, o kayaʼy ang mga hayop na gumagapang, siyaʼy naging marumi at nagkasala rin kahit wala siyang malay na nakahipo siya.
3Kung siyaʼy nakahipo ng mga maruming bagay ng tao, kahit hindi niya alam na siyaʼy naging marumi, ituturing pa ring siyaʼy nagkasala kapag nalaman niya.
4Kung ang isang tao ay nanumpa nang padalos-dalos, mabuti man o masama ang isinumpa niya, siyaʼy nagkasala kapag nalaman niya ang kanyang ginawa.
5Kapag nalaman ng isang tao na nagkasala siya ng alinman sa mga nabanggit, kinakailangang ipahayag niya ang kanyang kasalanan.
6At bilang kabayaran sa kasalanang nagawa niya, mag-aalay siya sa Panginoon ng babaeng tupa o kambing bilang handog para sa kasalanan. Ihahandog ito ng pari upang matubos ang nag-alay sa kanyang kasalanan.