Leviticus 5

At bilang kabayaran sa kasalanang nagawa niya, mag-aalay siya sa Panginoon ng babaeng tupa o kambing bilang handog para sa kasalanan. Ihahandog ito ng pari upang matubos ang nag-alay sa kanyang kasalanan.

Leviticus 5:6 (UKJV) And he shall bring his trespass offering unto the LORD for his sin which he has sinned, a female from the flock, a lamb or a kid of the goats, for a sin offering; and the priest shall make an atonement for him concerning his sin.

4Kung ang isang tao ay nanumpa nang padalos-dalos, mabuti man o masama ang isinumpa niya, siyaʼy nagkasala kapag nalaman niya ang kanyang ginawa.

5Kapag nalaman ng isang tao na nagkasala siya ng alinman sa mga nabanggit, kinakailangang ipahayag niya ang kanyang kasalanan.

6At bilang kabayaran sa kasalanang nagawa niya, mag-aalay siya sa Panginoon ng babaeng tupa o kambing bilang handog para sa kasalanan. Ihahandog ito ng pari upang matubos ang nag-alay sa kanyang kasalanan.

7“ ‘Ngunit kung walang kakayahan ang isang tao na mag-alay ng tupa, maaari siyang mag-alay ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato sa Panginoon bilang handog para sa kasalanan. Ang isaʼy bilang handog para sa kasalanan at ang isaʼy bilang handog na sinusunog.

8Dadalhin niya ito sa pari at ang unang ihahandog ng pari ay ang handog para sa kasalanan. Pipilipitin ng pari ang leeg ng ibon pero hindi ito puputulin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.