Leviticus 7

Mag-aalay siya mula sa bawat uri ng tinapay na ito bilang kaloob sa Panginoon. At ang mga tinapay na ito na iaalay ay para sa paring nagwiwisik ng dugo ng hayop na handog pangkapayapaan doon sa altar.

Leviticus 7:14 (UKJV) And of it he shall offer one out of the whole oblation for an heave offering unto the LORD, and it shall be the priest's that sprinkles the blood of the peace offerings.

12“ ‘Kung ang hayop na handog ay inialay bilang handog pasasalamat, sasamahan ito ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis ng olibo ngunit walang halong pampaalsa, manipis na tinapay na pinahiran ng langis ng olibo, at tinapay na mula sa magandang klase ng harina na hinaluan ng langis ng olibo.

13Maliban dito, magdadala rin siya ng handog na tinapay na may pampaalsa bilang handog pangkapayapaan

14Mag-aalay siya mula sa bawat uri ng tinapay na ito bilang kaloob sa Panginoon. At ang mga tinapay na ito na iaalay ay para sa paring nagwiwisik ng dugo ng hayop na handog pangkapayapaan doon sa altar.

15Ang karne ng handog pangkapayapaan bilang pasasalamat ay dapat kainin ng taong nag-alay nito at ng sambahayan niya at ng mga pari sa araw ding iyon, at dapat walang matira kinaumagahan.

16“ ‘Ngunit kung ang kanyang handog pangkapayapaan ay inialay niya bilang handog para tuparin ang isang panata o handog na kusang-loob, ang karne ay makakain sa araw ng paghahandog at ang matitira ay maaari pa ring kainin kinabukasan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.