Leviticus 7

“ ‘Ngunit kung ang kanyang handog pangkapayapaan ay inialay niya bilang handog para tuparin ang isang panata o handog na kusang-loob, ang karne ay makakain sa araw ng paghahandog at ang matitira ay maaari pa ring kainin kinabukasan.

Leviticus 7:16 (UKJV) But if the sacrifice of his offering be a vow, or a voluntary offering, it shall be eaten the same day that he offers his sacrifice: and on the next day also the remainder of it shall be eaten:

14Mag-aalay siya mula sa bawat uri ng tinapay na ito bilang kaloob sa Panginoon. At ang mga tinapay na ito na iaalay ay para sa paring nagwiwisik ng dugo ng hayop na handog pangkapayapaan doon sa altar.

15Ang karne ng handog pangkapayapaan bilang pasasalamat ay dapat kainin ng taong nag-alay nito at ng sambahayan niya at ng mga pari sa araw ding iyon, at dapat walang matira kinaumagahan.

16“ ‘Ngunit kung ang kanyang handog pangkapayapaan ay inialay niya bilang handog para tuparin ang isang panata o handog na kusang-loob, ang karne ay makakain sa araw ng paghahandog at ang matitira ay maaari pa ring kainin kinabukasan.

17At kung mayroon pa ring matira hanggang sa pangatlong araw, dapat na itong sunugin.

18Kapag may kumain pa nito sa pangatlong araw, hindi na tatanggapin ng Panginoon ang handog na ito at magiging walang kabuluhan ang handog niya. Ang handog na ito ay ituturing na kasuklam-suklam at magiging pananagutan pa ng sinumang kumain nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.