13Maliban dito, magdadala rin siya ng handog na tinapay na may pampaalsa bilang handog pangkapayapaan
14Mag-aalay siya mula sa bawat uri ng tinapay na ito bilang kaloob sa Panginoon. At ang mga tinapay na ito na iaalay ay para sa paring nagwiwisik ng dugo ng hayop na handog pangkapayapaan doon sa altar.
15Ang karne ng handog pangkapayapaan bilang pasasalamat ay dapat kainin ng taong nag-alay nito at ng sambahayan niya at ng mga pari sa araw ding iyon, at dapat walang matira kinaumagahan.
16“ ‘Ngunit kung ang kanyang handog pangkapayapaan ay inialay niya bilang handog para tuparin ang isang panata o handog na kusang-loob, ang karne ay makakain sa araw ng paghahandog at ang matitira ay maaari pa ring kainin kinabukasan.
17At kung mayroon pa ring matira hanggang sa pangatlong araw, dapat na itong sunugin.