Leviticus 8

At pinalapit niya sa gitna ang mga anak ni Aaron at ipinasuot sa kanila ang kasuotan nila na pampari at nilagyan ng sinturon. Ipinasuot din sa kanila ang kanilang mga turban. Ginawa ito ni Moises ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.

Leviticus 8:13 (UKJV) And Moses brought Aaron's sons, and put coats upon them, and girded them with girdles, and put bonnets upon them; as the LORD commanded Moses.

11Winisikan din niya ng langis ng olibo ang altar ng pitong beses at ang lahat ng kagamitan na naroon, pati ang planggana at ang patungan nito upang ihandog ang mga ito sa Panginoon.

12Pagkatapos, binuhusan niya ng langis ng olibo ang ulo ni Aaron bilang pagtatalaga sa kanya sa Panginoon.

13At pinalapit niya sa gitna ang mga anak ni Aaron at ipinasuot sa kanila ang kasuotan nila na pampari at nilagyan ng sinturon. Ipinasuot din sa kanila ang kanilang mga turban. Ginawa ito ni Moises ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.

14Pagkatapos nitoʼy ipinakuha ni Moises ang toro na handog para sa kasalanan. At ipinatong ni Aaron at ng mga anak niya ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro.

15Pagkatapos, pinatay ni Moises ang toro at kumuha siya ng dugo. Inilubog niya ang kanyang daliri sa dugo at pinahiran niya ang parang sungay sa mga sulok ng altar para luminis ito. At ang natirang dugo ay ibinuhos niya sa ilalim ng altar. Sa ganitong paraan niya itinalaga ang altar para sa Panginoon upang maging karapat-dapat na lugar na pinaghahandugan ng mga pantubos sa kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.